Iba’t-ibang mga puppeteer ang nag perform para sa International Puppetry Fiesta noong March 20-22.
Napuno ng kasiyahan ang event dahil sa iba’t-ibang pagtatanghal ng puppeteering. Makikita ang mga bungisngis at tawanan ng mga bata habang nag peperform ang mga puppeteer mula sa Thailand, Singapore, Germany, Indonesia, at Hong Kong. Idinaos ang show sa isang kilalang mall sa Antipolo, Ortigas at sa isang amusement park sa Laguna.
Hindi lang mga imported na mga puppeteer ang nakiisa sa event na ito kung hindi ay may mga lokal din. Isa na dito ay si Wanlu, siya ay sumali noon sa Season 4 ng Pilipinas Got Talent, kung saan siya nagpakita ng galing sa pagtatanghal gamit ang kanyang puppet na kamukha ng Hari ng Komedya na si Dolphy. | Photo via PIA Puppet theater
D8TVNews #D8TV