Presyo ng bigas patuloy na bumaba sa -4.9% noong Pebrero

Implasyon ng bigas patuloy na bumaba sa -4.9% noong Pebrero
Muling bumagsak ang presyo ng bigas sa bansa ngayong Pebrero 2025, dala ng patuloy na pagbaba ng pandaigdigang presyo, pagbaba ng taripa sa imported rice, at deklarasyon ng food security emergency.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak ng -4.9% ang inflation rate ng bigas noong Pebrero, mas malaki kumpara sa -2.3% noong Enero. Ito na ang pinakamababang inflation rate mula Abril 2020.
Sa ilalim ng Executive Order No. 62 ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., binawasan ang taripa sa imported rice mula 35% pababa sa 15%. Sa epekto nito, bumaba ang presyo ng bigas:
πŸ“Œ Regular milled: P47.23/kilo (mula P50.44/kilo noong Pebrero 2024)
πŸ“Œ Well-milled: P53.46/kilo (mula P55.93/kilo)
πŸ“Œ Special rice: P62.65/kilo (mula P64.42/kilo)
Bukod dito, nagbenta rin ang National Food Authority (NFA) ng buffer stock sa halagang P35/kilo para pababain ang presyo.
Simula Marso 1, ibinaba rin ng Department of Agriculture (DA) ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) ng imported rice sa P49/kilo, mula sa P58/kilo noong Enero.
Patuloy ding pinalalawak ng gobyerno ang Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program para matiyak na mas marami ang makikinabang sa mas murang bigas! | via Allan Ortega | Photo via bworldonline.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *