Impeachment complaint vs PBBM, naiparating na sa Office of the Speaker

Pormal nang naipadala sa Office of the Speaker ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hudyat nang pagsisimula ng internal process ng Kamara.

Ayon kay House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, ipinasa na ng kanyang opisina ang verified impeachment complaint sa Office of Speaker para sa nararapat na aksyon, alinsunod sa itinatakdang pamamaraan.

Binigyang-diin ni Garafil na administratibo lamang ang papel ng kanyang tanggapan, at mahigpit itong ginagabayan ng Konstitusyon, house rules at umiiral na protocol.

Ipinaliwanag din ni Garafil na sa pagtanggap ng anumang impeachment complaint, tinitiyak ng kanyang opisina na ito ay maayos na naitatala, naire-record, at naipapasa sa tamang tanggapan bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at due process.

Matatandaang inhain ang impeachment complaint noong January 19 ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *