Isang impeachment complaint ang inihain ngayon ni Atty. Andres de Jesus laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara.
Ayon sa petisyon na inendorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie Jett Nisay, ang mga reklamo ay may kaugnayan sa betrayal of public trust, graft and corruption, at pagkakalulong umano ng Pangulo sa droga.
Kabilang sa mga dahilan ang umano’y pagsuko ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court at ang pagkabigong i-veto ni Marcos ang mga unprogrammed appropriations at iba pang ipinagbabawal na probisyon sa General Appropriations Act.
Tumanggap din umano ng kickback ang Pangulo mula sa mga tinaguriang ghost projects ng Public Works department.
Kabilang si Nisay sa walong mambabatas na inirekomendang kasuhan ng Independent Commission on Infrastructure dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa flood control scam.
