Isinusulong ni Senador Panfilo Lacson ang isang panukalang batas na maglilimita sa paggamit ng social media ng mga menor de edad. Ayon sa kanya, maraming pag-aaral ang nag-uugnay sa labis na paggamit ng social media sa mental health issues ng kabataan gaya ng cyberbullying, pressure sa katawan, at online harassment.
Batay sa datos ng UNICEF at Council for the Welfare of Children 1 sa bawat 3 kabataang Pilipino ang gumagamit ng internet at 60% ng mga batang edad 10โ17 ay aktibong online.
Inspirasyon ng panukala ang mga hakbang ng ibang bansa tulad ng Australia. Layon nitong protektahan ang mga batang Pilipino (edad 17 pababa) laban sa masasamang epekto ng social media. Ang nilalaman ng panukalang ito ay mahigpit na age verification sa mga social media platforms, pagbabawal sa mga menor de edad na magbukas o magpatuloy sa paggamit ng social media at parusa sa lalabag alinsunod sa Data Privacy Act at iba pang batas.
Ani Lacson, “Panahon nang kumilos para sa kapakanan ng ating kabataan.” | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV
