DepEd gustong alisin ang Art Appreciation, Contemporary World, at Ethics sa kolehiyo at idagdag na lang sa senior high school. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Janir Datukan, nasa SHS na raw ang mga konseptong ito kaya sayang lang kung ulitin pa sa kolehiyo—makakatipid pa ng 24 units o isang buong semester!
Paliwanag niya, sakop na ng Art Appreciation ang Arts subject, Contemporary World ang Araling Panlipunan at Ethics ang GMRC at Values Ed.
Sa bagong SHS curriculum (pilot sa 2025–2026), Grade 11 ay puro core subjects gaya ng Mabisang Komunikasyon, Life Skills, Math, Science, at Kasaysayan. Sa Grade 12 naman, electives na lang batay sa piniling cluster: Academic (pang-college) o TechPro (pangtrabaho agad).
Pero tutol si Rep. Stella Quimbo ng Marikina, dating prof sa UP, nagbabala siya na baka makaiwas ang STEM students sa Math tulad ng Trigonometry! Aniya, baka maapektuhan ang college readiness at bumalik sa luma ang college curriculum.
Sagot ng DepEd, Guidance counselors ang bahala pero kontra si Quimbo: “Hindi naman obligado ang estudyanteng sumunod. Kakaunti rin ang guidance counselors!” | via Allan Ortega | Photo via thepinoyofw.com
#D8TVNews #D8TV