Naglabas ng pahayag si Senator Imee Marcos kaugnay sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang press conference, ipinakita ni Marcos ang kanyang simpatya sa dating pangulo.
Matatandaang inaresto si Duterte matapos maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil sa kasong crimes against humanity. Gayunpaman, sinabi ni Sen. Imee na hindi pa niya nakikita mismo ang naturang warrant.
“Nayanig ako masyado, kawawa naman si President Duterte, Parang sa tatay ko noon, ganito rin ang nangyari,” ani Marcos, na binanggit din ang hirap na dinanas ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pati sina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.
Kinuwestyon niya kung may naidulot bang kabutihan sa bansa ang paulit-ulit na awayan sa pulitika. “Gumanda ba ang buhay natin? Yumaman ba ang bayan?” tanong niya. | via Allan Ortega | Photo via Screenshot from video sent by the Office of Senator Imee Marcos
Imee Marcos, nagulat sa pag-aresto kay Duterte
