Imbestigasyon sa foreign-funded destabilization efforts, nagpapatuloy —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa umano’y foreign-funded destabilization efforts kaugnay ng naganap na rally sa EDSA kamakailan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, malinaw ang pagtataksil sa bayan kung tunay ngang sa banyaga nagmumula ang pondo sa mga aktibidad na ito.

Hindi umano nararapat na panghimasukan ng ibang bansa ang usapin sa Pilipinas.

Ani Castro, sa ngayon ay patuloy ang pagsusuri ng Armed Forces of the Philippines upang masigurong hindi maaapektuhan ang interes ng bayan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *