Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at 38 iba pang kongresista, suportado kay Speaker Dy

Nagpakita ng suporta si Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, kasama ang 38 pang kongresista mula sa Northern Luzon Alliance para kay House Speaker Bojie Dy III sa inilabas na manifesto nitong Huwebes, November 20.

Kasunod ito ng mga usap-usapang posibleng pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Sa ika-limang pahina ng manifesto, sinabi ng mga miyembro ng Northern Luzon Alliance na sa panahong sinusubok ang pagkakaisa at pamumuno, malinaw nilang ipinapahayag ang kanilang buong suporta kay Dy.

Samantala, nauna nang pinabulaanan ng Malacañang ang mga alegasyon ng pagpapalit ng liderato at iginiit na wala ito sa kamay ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, ang pagpili at pamamalakad ng liderato sa Kamara ay desisyon ng mga kongresista at hindi saklaw ng Pangulo. Nilinaw rin niya na anumang hakbang sa House of Representatives ay nakasalalay sa mga miyembro nito.

Matatandaang dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maluklok si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III matapos nitong palitan ang nagbitiw na si Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez sa gitna ng isyu ng flood control. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *