Kauna-unahan ang Iligan City sa Northern Mindanao Region na pinagbawal ang anumang uri ng pagsusugal sa mga empleyado ng gobyerno.
Naglabas si Mayor Frederick Siao ng Executive Order (EO) 95-2025 na nagbabawal sa mga tao sa gobyerno ng lungsod na lumahok sa pagsusugal kabilang ang online gambling.
Ayon kay Siao lahat ng mga opisyal na namumuno ay ipinag-uutos na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad at ang tuluy-tuloy na pagmo-monitor dito.
Nagbabala ang mayor sa karampatang parusa sa paglabag sa inilabas na EO.
Ang direktiba ay batay sa bagong memorandum ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno sa paggamit ng online gambling applications.
Ang EO na ito ay may ligal na batayan din sa Republic Act (RA) 6713, or Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees in the Philippines.
#D8TVNews #D8TV