Isiniwalat ni dating Bulacan District Engineer Brice Hernandez na may mga senador na nakikinabang umano sa kickback sa mga proyekto ng DPWH.
Sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa, nakiusap si Hernandez na huwag na siyang ibalik sa Senado dahil natatakot na siya para sa kanyang magiging kapalaran at kaligtasan ng kanyang pamilya kapag nagsalita ito.
Kabilang sa mga inakusahan ni Hernandez ay sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Joel Villanueva.
Mariin naman itong itinanggi ni Senator Estrada at hinamon si Hernandez na sumailalim sa lie detector test. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo Courtesy to House of Representatives
#D8TVNews #D8TV
