Nagdadalawang-isip umano ang ilang senador na lagdaan ang draft committee report ng Senate Blue Ribbon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Vice Chairman Sen. Erwin Tulfo, may nagsasabing kulang, mahina, o hindi sapat ang bigat ng mga salita at ebidensya sa report.
Nagkaroon umano ng closed-door meeting ang mga senador kasama at kinunsulta ang mga opisyal ng Ombudsman, Department of Justice, at Anti-Money Laundering Council hinggil sa pagpapasaayos ng report.
Ayon kay Sen. Lacson, work in progress pa ang report, pero mananatili pa rin umano ang mga rekomendasyong pagsampa ng kaso laban kina Senator Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at Chiz Escudero.
Nilinaw naman ni Lacson na wala pang ebidensyang makapag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa flood control scam.
Para maisumite ang report sa plenaryo, kailangan ng lagda ng 11 senador, kabilang ang isa mula sa minorya.
Kumpiyansa si Lacson na makukuha ang sapat na bilang na ito. | via Ghazi Sarip
