Ilang mambabatas, kinondena ang pag-atake ng US sa Venezuela

Kinondena ng ilang mambabatas ang pag-atake ng Estados Unidos sa Venezuela noong Sabado at pagdukot sa president nito,

Ayon kay Mamayang Liberal Party-list Representative Leila De Lima, ang pag-atake at pagdukot kay Venezuelan President Nicola Maduro ay isang tahasang paglabag sa soberanya ng bansa.

Sa naging aksiyon ni US President Donald Trump, ibinabalik umano ng Estados Unidos ang dating world order kung saan lakas at puwersa ang namamayagpag, hindi ang katarungan at rule of law.

Inatake ng US forces noong sabado ang kabisera ng Venezuela na Caracas at dinakip si Marudo at ang kanyang asawa.

Mabilis silang dinala sa New York city upang humarap sa kasong narco-terrorism na isinampa ng US government.

Inanunsiyo rin ng Washington na Estados Unidos na muna ang magpapatakbo ng Venezuela.

Siniguro naman ng ating embahada sa Venezuela at ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pagtutok sa kalagayan ng mga Pilipino doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *