Ilang mambabatas, ipinasasailalim sa ILBO ng ICI

Humiling ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order (ILBO) laban sa mga opisyal na umano’y dawit sa anomalya sa flood control projects.

Base sa listahan na ipinasa ng ICI sa DOJ, kabilang dito sina dating House Speaker Martin Romualdez, Sen. Francis Escudero, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Makati City Mayor Nancy Binay at Sen. Joel Villanueva.

Kasama rin dito si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana at kaniyang asawa, ilang opisyal ng DPWH, mga kongresista at iba pang sangkot sa isyu.

Ang hakbang na ito ay kaugnay pa rin sa isinasagawang imbestigasyon ng independent body sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa ilalim ng ILBO, hindi ipinagbabawal ang pagbiyahe ng isang tao sa ibang bansa ngunit imo-monitor ito ng mga immigration officer. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *