Ilang lugar sa Visayas, Bicol, sinuspinde ang klase dahil sa shear line

Ilang local government units ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ngayong Lunes, Enero 5, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng shear line.

Ayon sa PAGASA, kasalukuyang naaapektuhan ng shear line ang ilang bahagi ng Bicol Region at Visayas, na nagdadala ng malalakas na ulan at maulap na kalangitan.

Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto, lalo na sa mga lugar na posibleng bahain at magkaroon ng landslide.


Eastern Visayas
• Tacloban City – lahat ng antas, pampubliko at pribado
• Tanauan, Leyte – lahat ng antas, pampubliko at pribado
• Babatngon, Leyte – lahat ng antas, pampubliko at pribado
• Caibiran, Biliran – lahat ng antas, pampublikong paaralan lamang
• Northern Samar – lahat ng antas, pampubliko at pribado


Bicol Region
• Caramoan, Camarines Sur – lahat ng antas, pampubliko at pribado

Suspendido ang klase sa Tacloban City; Tanauan, Leyte; Babatngon, Leyte; Caibiran, Biliran; Northern Samar; at Caramoan, Camarines Sur sa lahat ng private at public schools maliban sa Caibiran kung saan suspendido ang klase sa pampublikong paaralan lamang.

Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang lagay ng panahon at inaasahang maglalabas pa ng karagdagang abiso kung lalala ang sitwasyon.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at makinig sa opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng PAGASA. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *