Ike Barilea ng Alas Pilipinas, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 21 taong gulang ang rising player ng Alas Pilipinas na si Ike Andrew Barilea.

Ayon sa pahayag ng Alas Pilipinas nitong Martes, November 11, sila ay namamaalam na sa rising opposite hitter na naging parte ng pool nitong nagdaang 2025 FIVB Men’s World Championship na ginanap sa Pilipinas noong September.

Naging parte si Barilea ng malawakang roster ng Alas Pilipinas para sa world championship, kasama sina Bryan Bagunas, Marck Espejo, Joshua Retamar, Leo Ordiales, at Kim Malabunga. Naging parte rin siya ng Alas-Cignal na nagdala sa Pilipinas noong Asian Volleyball Confederation (AVC) noong May sa Japan.

Hindi na nagbigay ng impormasyon ang Alas Pilipinas patungkol sa dahilan ng pagkamatay ni Barilea. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *