Dumating sa House of Representatives ang isang grupo ng mga pari, madre, at abogado upang maghain ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ang ikatlo ngayong taon.
Kasama ng grupo si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima.
Dalawa pang naunang impeachment complaints ang nag-akusa kay Duterte ng umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan.
Sa isa sa mga ito, muling ibinangon ang alegasyong nagbanta umano ang bise presidente na ipapatay ang dating kaalyado na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mariin namang itinanggi ni Duterte.
Sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas, kapag na-impeach ng Kamara ang isang opisyal, awtomatikong magsasagawa ng paglilitis ang Senado.
Sa oras na napatunayang nagkasala, maaari itong magresulta sa pagtanggal sa puwesto at habambuhay na pagbabawal sa paghawak ng anumang posisyong pampubliko.
Noong nakaraang taon, matagumpay na na-impeach ng Kamara si Duterte sa kahalintulad na mga paratang na inihain ng grupong sinuportahan nina De Lima at iba pang mambabatas.
Gayunman, ibinalik ng Senado sa Kamara ang kaso habang kinukuwestiyon ang pagiging konstitusyonal nito.
Kalaunan, nagpasya ang Korte Suprema na lumabag ang impeachment sa probisyong nagbabawal sa paghahain ng higit sa isang impeachment complaint laban sa isang opisyal sa loob ng isang taon. | via Judea Bernardo
