Ihahaing ₱2 dagdag-pasahe sa Jeepney, opsyonal

Planong maghain ng petisyon ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) para sa ₱2 dagdag-pasahe sa jeepney.

Ayon kay Mody Floranda, national president ng PISTON, kinakailangan na ang fare increase dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na nagpapaliit sa kita ng mga tsuper.

Sa panayam ng D8TV News kay Floranda, nilinaw nito na prayoridad na isinusulong ng kanilang grupo ang pagbasura sa oil deregulation law at pag alis ng excise tax at VAT sa petrolyo.

Target ng grupo na ihain ang petisyon sa taas-pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa March 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *