Opisyal nang idineklara na MALAYA SA ABU SAYYAF ang probinsya ng Basilan!
Matapos ang dekadang sagupaan, binasbasan nina Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez Jr. at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. ang makasaysayang seremonya nitong Lunes.
Tuloy-tuloy ang tagumpay, sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program, 329 baril ang isinuko ng mga dating rebelde—pruweba ng pagbabalik-loob at kapayapaan. Ayon kay Galvez, dating AFP Chief at WestMinCom head: “Dati, dugo ang bumabaha sa Basilan. Ngayon, kapayapaan na ang nangingibabaw.” Tinawag ni Lagdameo ang deklarasyon na “hindi basta-basta,” kundi bunga ng walang sawang operasyon, intelligence work, at matibay na pagtutulungan ng AFP, LGUs, at mismong mga mamamayan.“Ito ay tagumpay ng sambayanang Basileno,” giit niya.
Ang deklarasyon ay pormal na pinagtibay noong Pebrero 6, 2025 ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council. Mula dating pugad ng terorismo, ngayon ay modelo na ang Basilan ng good governance, peacebuilding, at development. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of Provincial Government of Basilan Facebook
#D8TVNews #D8TV