Mapapanood na ang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa maanomalyang flood control projects simula sa susunod na linggo.
Ito ang inanunsyo ni ICI Chairperson Justice Andy Reyes sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagtatatag ng Independent People’s Commission nitong Miyerkules, October 22.
“We don’t have the facility and we don’t have the rules of procedures. In spite of no rules allowing us, we will now go on livestream next week,” ani Reyes.
Ipinaliwanag din ni Reyes na 39 araw pa lamang mula nang itatag ang komisyon at kakaunti pa lamang ang kanilang abogado pero tiniyak nito na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya sa pag-iimbestiga sa anomalya.
Kamakailan lang ay may ilang mambabatas ang nanawagan na isapubliko ang pagdinig ng komisyon. | via Alegria Galimba
