Tatlo na lamang ang natitirang bilang ng miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Nagbitiw na rin kasi sa ICI si Commissioner Rossana Fajardo, epektibo sa December 31.
Ayon sa kanyang pahayag, natapos na niya ang mga layuning itinakda para sa kanya, tulad ng pagpapatibay ng financial oversight.
Nakabuo rin daw siya ng mga sistematikong paraan sa pangangalap ng ebidensya, naghanda ng detalyadong work plans, at nangasiwa sa mga boluntaryong tumulong sa mga imbestigasyon.
Aniya, nagbunga ito ng mga rekomendasyong layong pagandahin ang procurement at budgeting ng gobyerno para sa mga proyekto sa imprastraktura.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng mga panukalang batas para sa Independent Commission Against Infrastructure Corruption at Independent People’s Commission, para sa mas epektibong pag-usig ng mga tiwali.
Dati nang nagbitiw sa pwesto sina former Baguio City mayor Benjamin Magalong at dating DPWH Secretary Rogelio Singson. | via Ghazi Sarip
