Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na payagan itong umapela sa naunang desisyon ng korte kaugnay sa hindi paglalabas ng buong detalye ng pag-uusap ng korte at ng mga medical expert na sumuri sa dating Pangulo.
Nakasaad sa mosyon para sa “leave to appeal,” iginiit ng defense team ni Duterte na nagkamali umano ang korte dahil hindi nito sinuri kung mahalaga ang hinihinging impormasyon sa paghahanda ng kanilang depensa, at kung may posibleng panganib ito sa isinasagawang imbestigasyon o sa kaligtasan ng mga testigo.
Ayon naman sa ICC, inuulit at pinalalawak lamang ng defense team ang mga argumentong nauna nang natalakay at napagdesisyunan ng korte.
Sa ngayon, nananatili ang desisyon ng ICC na hindi ilabas ang hinihinging mga detalye, ng kampo ng dating pangulo. | via Judea Bernardo
