Iginiit ng International Criminal Court (ICC)-Office of the Prosecutor na “independent” at sumusunod sa mahigpit na legal standards ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng drug war sa Pilipinas.
Ito ay matapos silang akusahan ni Atty. Levito “Levi” Baligod at 18 umano’y dating marines ang ICC ng “collusion” at “conspiracy” kasama ang pamahalaan ng bansa.
Sa pahayag, sinabi ng ICC na sila mismo ang nangangalap ng impormasyon, pumipili ng mga testigo, at sumusuri sa kredibilidad ng ebidensya.
Itinanggi rin ng ICC ang paratang na ang operasyon nito ay pinondohan o naimpluwensiyahan ng mga pulitiko, at iginiit na ang kanilang budget ay aprubado ng assembly of states parties at dumaan sa oversight mechanisms.
Nauna nang lumutang ang alegasyon na umano’y “wined and dined” ang icc prosecutors at umasa lamang sa mga testigong ibinigay ni dating senador Antonio Trillanes IV. | via D8TV News
