Iginiit ni International Criminal Court Senior Trial Lawyer Julian Nicholls, na hindi nag-iisa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng drug war.
Ayon kay Nicholls, ang co-perpetrators nito ay kasama sa laganap at sistematikong pagpatay na nakakubli umano sa likod ng anti-crime operations.
Kabilang sa mga pinangalanan sina Sen. Ronald dela Rosa, Vicente Danao, na isa ring dating Davao police chief, Sen. Bong Go, bilang “important advisor” umano ni Duterte, Dante Gierran na dating opisyal ng NBI, at si Vitaliano Aguirre II, na naging kalihim ng DOJ.
Sakop ng kaso sa ICC ang mga krimen mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.
Pinabulaanan naman ni Duterte ang mga paratang at iginiit na tunay ang kaniyang kampanya laban sa droga.
Sa ngayon, patuloy ang pagdinig habang sinusuri ng mga ICC ang mga kaukulang ebidensya. | via Ghazi Sarip, D8TV News
