Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang desisyon ukol sa kanyang pansamantalang pagpapalaya habang hinihintay pa ang karagdagang hakbang mula sa kanyang kampo. Ayon sa ICC ruling noong Hulyo 23, hindi ito nangangahulugan ng anumang pabor o hatol kaugnay sa kaso.
Dalawang hukom ang pumabor, habang isa ang tumutol. Ayon sa abogadong si Nicholas Kaufman, kinailangan pa nilang buuin ang lahat ng kinakailangang impormasyon, pero tinutulan ito ng prosekusyon, na nagsabing alam naman ng kampo ni Duterte na kulang ang kanilang dokumento noong isinampa ang petisyon.
Humiling din ang kampo ni Duterte na ipagpaliban ang desisyon sa isa pang petisyon na kinukwestyon ang hurisdiksyon ng ICC sa kaso ng umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang war on drugs. | via Allan Ortega
#D8TVNews #D8TV