ICC: FPRRD, ‘fit to stand trial’

Inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na ‘fit to stand trial’ si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibig sabihin, may kakayanan ang dating Pangulo na harapin ang paglilitis ng korte laban sa kanyang kinakaharap na kasong crimes against humanity.

Sa 25-pahinang desisyon ng ICC, ibinasura nila ang kahilingan ng kampo ni Duterte na indefinite adjournment ng paglilitis dahil sa umano’y cognitive impairment nito.

Ayon sa ICC, mayroong tatlong miyembro ng panel na medicine experts ang sumuri kay Duterte at natanggap na nila ang ulat ng mga ito noong December 5, 2025.

Personal umanong sinuri ng mga doktor at eksperto ang dating Pangulo.

Ayon sa Chamber, isinaalang-alang ng mga eksperto ang personal at medical history, physical at mental condition ni Duterte at nagsagawa rin ng cognitive testing.

Dahil dito, itinakda ang confirmation of charges laban sa dating Pangulo sa February 23, 2026.

Samantala, dismayado si Atty. Nicholas Kaufman sa naging desisyon ng korte dahil hindi umano sila nabigyan ng pagkakatong magpresenta ng sariling medical evidence sa kalagayan ng dating Pangulo.

Ayon pa sa abogado, aapela muli sila sa desisyon at ipaglalaban ang karapatan ni Duterte sa due process. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *