ICC Assistant to Counsel, nanawagan sa mga biktima ng war on drugs na lumutang

Nanawagan si International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Kristina Conti sa mga biktima ng war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-report sa kanila para maging bahagi ng imbestigasyon sa ICC.

ROLL QUOTE CARD: Biktima ka ba ng gera kontra droga ni Rodrigo Duterte? I-report ito sa amin at maging bahagi ng kaso ni Duterte sa ICC. Sama-sama tayong manawagan ng hustisya! –Atty. Kristina Conti, International Criminal Court Assistant to Counsel

Ayon sa social media post ni Conti, sinumang naapektuhan ng pagpatay, iligal na pag-aresto at detention, torture, rape at iba pang krimen na may kaugnayan sa war on drugs ay maaaring dumulog sa kanila para mapanagot ang dating pangulo.

Binanggit din ng abogado na ang mga maaaring humingi ng tulong ay ang mga biktima ng krimen na naganap noong November 1, 2011 hanggang March 16, 2019 at pagkatapos ng March 2019, noong opisyal na nag-withdraw ang Pilipinas bilang miyembro ng Rome Statute ay maaari ding makipag-ugnayan sa kanila.

Ang mga impormasyon na ipadadala sa duterte.victims@proton.me, ay ituturing na confidential at hindi ipapalabas sa publiko o sa sinumang iba nang walang pahintulot nila.

Inulan naman ng pambabatikos ang naturang post ni Conti sa X na dating Twitter kung saan ay sinagot naman ito ng abogado.

Samantala, nakapagsumite naman ang International Criminal Court-Office of the Prosecutor ng 219 na bagong ebidensiya bilang bahagi ng pre-trial proceedings sa umano’y crime against humanity sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gagamitin ito sa isasagawang confirmation of charges hearing sa ICC sa September 23 ngayong taon. | via Alegria Galimba | Photo Courtesy: Facebook/Duterte Panagutin Campaign Network

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *