Inaprubahan ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber I ang karagdagang ebidensya mula sa parehong defense at prosecution, ilang linggo bago ang naka-schedule na confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Duterte.
Ayon sa desisyon ng korte, pinayagan ang defense team na idagdag ang 78 items of evidence, habang dalawang items naman ang idinagdag ng prosecution.
May sapat umanong dahilan ang ICC para tanggapin ang mga ebidensya nang hindi naaapektuhan ang alinmang panig.
Ang confirmation hearing ay magsisilbing hakbang upang suriin kung may sapat na ebidensya para ituloy ang kaso laban sa dating pangulo sa susunod na yugto ng paglilitis.
Nakatakda ganapin ang confirmation hearing mula February 23 to 24 at February 26 to 27.
