Super Bagyong Nando (international name: Ragasa), isa sa pinakamalalakas na bagyo ngayong taon, ay humihina na at malapit nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Martes ng umaga.
Taglay nito ang lakas-hangin na 185 kph at bugso na hanggang 230 kph. Huling namataan ito sa 265 km kanluran ng Calayan, Cagayan, at kumikilos pa-kanluran.
Signal No. 3: Ilocos Norte, bahagi ng Apayao, Cagayan (Sanchez-Mira, Sta. Praxedes, Claveria), at ilang bahagi ng Babuyan Islands.
Signal No. 2: Batanes, natitirang Babuyan Islands, malaking bahagi ng Cagayan, Abra, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, at hilagang La Union.
Signal No. 1: Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, at iba pa.
Magpapatuloy rin ang habagat na dala ng bagyo, magdudulot ng malalakas na hangin sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Bicol. May banta ng storm surge na aabot sa 1–3 metro sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Inaasahan din ang malalakas na pag-ulan sa hilagang at kanlurang Luzon gaya ng Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Zambales, Bataan, Batangas at Mindoro.
Paalala ng PAGASA mag-ingat lalo na sa mga lugar na nabanggit at palaging subaybayan ang kanilang mga weather update. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV
