Isang matagumpay na buy-bust operation nitong Miyerkules (Hunyo 11) ang naganap! Nahuli ng mga otoridad si “Menso,” isang umano’y big-time na tulak ng droga sa Barangay Lilod Saduc, Marawi City. Nasabat mula sa kanya ang 1 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon!
Ayon kay Col. Robert Daculan, hepe ng Lanao del Sur police, si “Menso” ay high-value target at residente ng Bagu-Ingud, Ditsa-an Ramain. Kabilang sa mga nakuha mula sa suspek ang 6 malalaking sachet ng shabu, buy-bust money, at motorsiklong ginagamit umano sa bentahan ng droga.
Hindi pa dito nagtatapos ang imbestigasyon — inaalam pa kung sino-sino ang konektado kay “Menso” at kung gaano kalawak ang operasyon ng kanilang sindikato na pinaniniwalaang umaabot hanggang Iligan at Cagayan de Oro.
Ang operasyon ay resulta ng isang buwang surveillance at intel gathering, ayon sa pulisya. Giit ni Brig. Gen. Romeo Macapaz ng BARMM police, patunay ito ng kanilang seryosong kampanya kontra droga, kasunod ng direktiba ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III. | via Lorencris Siarez | Photo via Lanao del Norte Provincial Police Office graphic
#D8TVNews #D8TV