Houthi drone, nagliyab nang bumagsak malapit sa isang hotel sa Eilat, Israel

Namataan ng surveillance camera malapit sa hotel sa Eilat, Israel ang pagbagsak ng isang drone mula umano sa Houthi group ng Yemen.

Agad na nagliyab ang paligid matapos ang pagbagsak ng drone, dahilan para magdulot ng takot at kaba sa mga taong naroon.

Makikita sa video ang mabilis na pagsiklab ng apoy, habang nagsisigawan at nagtakbuhan ang mga tao sa paligid ng hotel.

Ayon sa Israeli authorities, mabilis na rumesponde ang mga bumbero at ligtas namang naapula ang apoy.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente, ngunit nananatiling naka-alerto ang mga awtoridad laban sa banta ng drone attacks. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *