Hotline ng mga ahensyang ‘di matawagan, sinita

Nanggagalaiti si Sen. Erwin Tulfo sa mga ahensya ng pamahalaan na responsable sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa harap ng gulo sa Gitnang Silangan.

Ito’y matapos humingi ng tulong ang isang kaibigan nito na nasa Dubai na sinabing hindi matawagan ang mga hotline ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Tulfo, tinawagan pa niya si Foreign Affairs Sec. Tess Lazaro upang sabihin na walang sumasagot sa mga numero.

Kasunod nito, nanawagan ang senador sa mga ahensya na gawin ang kanilang trabaho.

Nakatakdang magdaos ng emergency hearing ang Senado bukas kasama ang Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, at Overseas Workers Welfare Administration upang talakayin ang iba’t ibang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa Middle East.

Bagama’t wala pa umanong katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang sigalot sa gitnang silangan, tanging kahandaan ng bawat Pilipino ang mainam na siguruhin sa ngayon. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *