Nananawagan si Senator Risa Hontiveros para sa agarang aksyon ng gobyerno ukol sa tila pagdami ng pekeng ID sa bansa.
Ito ay matapos maaresto ang isang Chinese individual na nagpapanggap bilang Pilipino, kapareho sa kaso ni Alice Guo noon.
“Our Senate hearings on POGO and Alice Guo clearly showed that official Filipino documents have been up for sale and used for evil,” saad ng Senador sa kanyang Facebook post ngayong araw, July 15.
Dagdag pa niya, marapat lamang na pagtuunan ng pansin ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa kasong ito.
“Tila matagal na itong kalakaran, at kailangan na ng seryosong aksyon. Our law enforcers must continue investigating those behind the selling of government-issued IDs to non-Filipinos,” ani Hontiveros.
“Dapat bigyang-prayoridad ng gobyerno ang paglinis sa mga dumi at kalat na iniwan ng mga POGO,” saad pa niya. | via Florence Alfonso | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV