Hollywood stars lumagda sa open letter na humihimok kay Trump na protektahan ang pelikula at TV laban sa AI

Mahigit 400 na mga sikat na artista, kabilang sina Ben Stiller, Cate Blanchett, at Cynthia Erivo, ang lumagda sa isang open letter laban sa malalaking tech companies tulad ng Google at OpenAI. Ang kanilang hiling? Protektahan ang copyright sa pelikula, TV, at musika laban sa artificial intelligence (AI).
Ayon sa sulat, ang pagpapahina ng copyright ay banta sa entertainment industry na nagbibigay ng $230 bilyong sahod taun-taon at sumusuporta sa 2.3 milyong trabaho. Pero gusto ng tech giants na gumamit ng copyrighted content para sanayin ang kanilang AI—dahil kung hindi raw, mapag-iiwanan sila ng China sa AI race.
Matatandaang nagka-strike ang Hollywood noong 2023 dahil sa AI, na tumagal ng ilang buwan at nagresulta sa mas mahigpit na proteksyon para sa mga writer at aktor. Ngunit ngayon, bumalik ang isyu kasabay ng pag-upo ni Trump, na may panukalang paluwagin ang AI regulations.
Babala ng mga artista: Ang labang ito ay hindi lang tungkol sa Hollywood—apektado rin ang buong knowledge industries sa Amerika! | via Allan Ortega | Photo via AFP / Robyn Beck

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *