Lumagong muli ang health maintenance (HMO) industry matapos kumita ng P979.8 milyon noong 2024—malayong mas mataas kumpara sa P4.27 bilyong pagkalugi noong 2023, ayon sa Insurance Commission (IC). Tumaas ng 20.12% ang kita ng HMO sa P79.37 bilyon, dulot ng pagtaas ng membership fees.
Samantala, dumoble rin ang kita ng preneed firms, umabot sa P5.15 bilyon! Tumaas ng 68.04% ang kita mula sa investments sa trust funds. Bagamat bahagyang bumaba ang bentahan ng preneed plans (-6.61%), nanatiling patok ang memorial plans, na bumuo ng 99.88% ng benta.
Sa kabuuan, lumaki rin ang total assets ng HMO at preneed sectors, patunay na lumalakas muli ang mga industriyang ito! – via Allan Ortega | Photo via bmidoctors.com
HMO lumago, preneed kumita ng malaki!
