Hiniling ng mga Fil-Am fans ang rematch nina Pacquiao at Barrios

Bumalik si Manny “Pacman” Pacquiao sa boxing ring matapos ang apat na taon, pero nagtapos sa kontrobersyal na draw ang laban kontra kay Mario Barrios nitong Sabado sa MGM Grand Arena. Umalma ang fans lalo na ang mga Filipino-Americans at nanawagan ng rematch.

Si Pacquiao, 46, ay tila hindi kumbinsido sa naging desisyon. “Akala ko nanalo ako. Gusto kong magkaroon ng rematch para sa legacy ko at sa bayan,” ani Manny sa presscon. Bagamat may ring rust, lumabas pa rin ang likas na tapang at kombinasyon niya.

Nagningning ang arena na may 13,000 fans kahit wala ang usual na national anthems at round girls. Ramdam pa rin ang energy tuwing umaatake si Pacman. Hindi man siya nakapag-knockdown, pinuri siya ng kanyang coach na si Freddie Roach bilang “lumaban nang may puso.”

Si Barrios naman ay game din sa rematch. “It was an honor to share the ring with him. This is the biggest event i’ve ever been part of,” ani niya.

Maraming Pinoy sa Amerika ang nadismaya sa draw. Sabi nga ni Jessie Claudio mula Las Vegas, “I’m pretty disappointed with the draw. It felt like Pacman led most rounds. It was a great fight and definitely calls for a rematch. Hopefully, they’ll leave no doubt next time.” | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *