Pinayuhan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga musician at artist na magsampa ng pormal na reklamo kung ginamit nang walang pahintulot ang kanilang kanta sa campaign jingles para sa halalan 2025.
“Aksyon lang tayo kung may reklamo,” ayon kay COMELEC Chair George Garcia matapos ireklamo ng bandang Lola Amour ang di-awtorisadong paggamit ng kanilang musika sa kampanya.
May kasunduan ang COMELEC at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) laban sa mga lalabag dito. Sinabi ng IPOPHL na may pribadong karapatan ang mga artista sa kanilang obra, at kailangang humingi ng permiso bago gamitin ito.
Samantala, nagdemanda si rapper Omar Manzano laban kay Apollo Quiboloy dahil sa paggamit ng kanyang kanta bilang campaign jingle.
Para sa mga artistang apektado, pwedeng magsampa ng reklamo sa COMELEC Election Information Department. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV