PNP hinikayat ang publiko na i-report ang vote buying

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na i-ulat ang mga insidente ng bilihan at bentahan ng boto habang papalapit ang pambansa at lokal na halalan sa 2025.
Ang panawagang ito ay kasunod ng paglulunsad ng Commission on Elections (Comelec) ng Kontra Bigay Committee noong Pebrero upang labanan ang pagbili at pagbebenta ng boto, pati na rin ang maling paggamit ng yaman ng gobyerno.
Inatasan din niya ang pulisya na paigtingin ang pagbabantay, imbestigasyon, at aksyon laban sa ganitong ilegal na gawain.
Ayon kay Marbil, nakahanda ang PNP na ipatupad at suportahan nang buong puso ang Kontra Bigay campaign upang matiyak ang malinis, tapat, at patas na halalan para sa bawat Pilipino.
Ayon sa Omnibus Election Code, ang sinumang mapatunayang sangkot sa bilihan ng boto ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon, madiskuwalipika sa paghawak ng pampublikong posisyon, at mawalan ng karapatang bumoto. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *