Hindi sang-ayon si PBBM sa findings ni Imee tungkol sa pag-aresto kay Duterte

Tutol si Pangulong Bongbong Marcos sa ulat ng kapatid niyang si Sen. Imee Marcos na sinasabing politically motivated ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa harap ng media, malinaw ang sagot ni BBM: “Hindi ako sang-ayon. Sinunod natin ang batas!”

Aniya, matagal nang isinampa ang kaso noong 2017 pa— panahong wala pa siya sa puwesto. Kaya’t hindi raw ito maituturing na political persecution. Nilinaw rin niyang hindi galing sa ICC ang utos kundi sa Interpol, at may obligasyon tayong sundin bilang miyembro ng pandaigdigang komunidad.

Samantala, galit si Sen. Imee, pinapanagot ang ilang opisyal gaya nina Justice Secretary Boying Remulla, PNP Chief Gen. Marbil, at iba pa dahil sa umano’y iligal na pag-turnover kay Duterte sa ICC.

Giit pa ni Imee, ang Senate hearing sa China-funded troll farms ay panabing lang para pagtakpan ang kontrobersya sa ICC case ni Duterte. Sagot naman ni Remulla: “Walang problema! Harapin natin ‘yan. Para sa bayan ang ginawa namin!” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *