Sinabi ng Malacañang nitong Martes, Nobyembre 18, na hindi magbibitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng lumalakas na panawagan mula sa ilang grupo kabilang ang mga maka-Duterte na bumaba siya sa puwesto dahil sa lumalalang isyu ng korapsyon sa gobyerno.
Uminit lalo ang isyu matapos ang paratang ng nagbitiw na kongresista na si Zaldy Co, na si Marcos umano ang nag-utos ng “insertion” sa 2025 budget. Pero giit ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil Castro, “Hindi ito option. Patuloy na nagtatrabaho ang Pangulo para sa bansa.”
Dagdag niya, ang mga tagasuporta umano ni Vice President Sara Duterte ay nagtutulak lang ng pagbibitiw upang siya ang pumalit. Sinabi rin niyang ang mga propagandista at destabilizer ay sinusubukang ilihis ang usapin, at kung mapaalis si Marcos, duda siyang kaya ng papalit na tapusin ang korapsyon.
Sa gitna ng kontrobersiya, nawalan ng dalawang mahalagang opisyal ang administrasyon sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amenah Pangandaman, na kapwa nadawit sa alegasyon ni Co.
Nag-ibayo pa ang ingay matapos ang dalawang araw na rally ng Iglesia ni Cristo, nang akusahan ni Sen. Imee Marcos ang sariling kapatid ng paggamit umano ng iligal na droga.
Sa huli, sinabi ni Castro na tanging mga walang critical thinking ang maniniwala sa mga paratang na ito. | via Allan Ortega
