Hindi magbabago ang pamumuno sa mga House committee — Sandro Marcos

Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, walang magiging pagbabago sa mga chairmanship ng mga komite sa Kamara matapos mahalal si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong Speaker.

Giit ni Marcos, kasalukuyan silang nasa gitna ng budget deliberations para sa panukalang P6.7 trilyong pambansang budget sa 2026, kaya’t hindi na makabubuting guluhin pa ang komposisyon ng pamunuan. “Magsisimula na ang plenary debates sa Lunes at tatagal ‘yan hanggang madaling araw,” aniya.

Dagdag niya, wala ring committee hearings habang nasa plenaryo, kaya’t hindi kailangang palitan ang mga chairman o liderato. Mananatili rin umano ang mga repormang sinimulan sa ilalim ng pamumuno ng kanyang tiyuhin, dating Speaker Martin Romualdez, partikular ang partisipasyon ng mga budget watchdogs sa mga deliberasyon. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Sandro Marcos/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *