“Hindi ito pagbabago ng Gabinete”: Nais ni PBBM ng ‘quarterly’ performance review ng pamahalaan

Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano niyang magkaroon ng quarterly performance review sa buong gobyerno!

Walang “Cabinet revamp” daw, klaro ni Marcos — hindi ito biglaan kundi bahagi ng patuloy na ebalwasyon sa lahat ng opisina ng pamahalaan.

“Probation kayo lahat,” babala ng Pangulo sa mga opisyal, mula taas hanggang baba.
Hindi lang top officials ang babantayan — lahat ng empleyado, tititigan ang performance! Target-checking kada quarter ang ipatutupad.

Kasama sa “mas istriktong” pagsusuri ang mga undersecretaries at iba pang opisyal. Layunin daw nito ay mas mapabuti ang serbisyo-publiko.

May pahiwatig rin ang Pangulo: “Expect more changes soon.”

Matatandaang noong Mayo 22, inatasan ni Marcos ang mga Cabinet secretaries at presidential advisers na magbitiw sa puwesto pagkatapos ng 2025 midterm elections, para ayusin muli ang direksyon ng administrasyon. | via Lorencris Siarez | Photo via RTVM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *