Ayon sa PAGASA, walang tyansang maging bagyo sa loob ng 24 oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa 805 km silangan ng Southern Mindanao. Pero huwag pakampante dahil hatid ng LPA’s trough at ITCZ ang kalat-kalat na ulan at pagkidlat sa Davao Region, Palawan at buong Mindanao. Mag-ingat sa posibleng baha at landslide!
Sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa, asahan pa rin ang panaka-nakang ulan at thunderstorm dulot ng easterlies. Moderate ang hangin at alon sa Northern Luzon, habang light to moderate naman sa iba.
Sa ating init alert: Umabot ng 47°C ang heat index sa Dagupan, at 46°C sa Baler, Aurora.
At ang mga lugar na may 43°C heat index:
• Bacnotan, La Union
• Subic (Olongapo City)
• Cavite City
• Cuyo, Palawan
• Camarines Sur
May 42°C heat index din sa:
• NAIA
• Pampanga
• Batangas
• Mindoro
• Albay, Capiz, Zambales at marami pa!
Dahil sa sobrang init pinaaalalahan ang lahat ng iwasan ang matagalang exposure sa init ng araw para makaiwas sa banta ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV