Hindi bababa sa 33 katao ang nasawi matapos bombahin ng puwersa ng Myanmar ang isang ospital sa isang rebel stronghold nitong Miyerkules, mismong International Human Rights Day.
Ayon sa mga residente, isang military jet ang naghulog ng dalawang 500-pound bombs sa ospital sa Rakhine State, isang lugar na kontrolado ng Arakan Army, mga ethnic rebels na kumukontra sa pamamalakad ng Myanmar junta.
Sugatan din ang 76 katao, kabilang ang 27 na kritikal ang lagay sa insidente.
Mariing kinondena ng iba’t ibang grupo ang pag-atake, at sinabing nagpapakita ito ng patuloy na pang-aabuso ng militar.
Patuloy na tumitindi ang ethnic clashes at humanitarian crisis sa Myanmar, halos apat na taon matapos ang military coup noong 2021 na nagpatalsik sa administrasyong pinamunuan ni Aung San Suu Kyi.
Noong Hulyo, inanunsyo ng militar ang umano’y paglilipat ng kapangyarihan sa isang civilian-led interim administration bago ngunit nananatiling acting president ang junta chief. | via Allan Ortega
