15 katao, kabilang ang isang bata, ang patay matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa Bondi Beach sa Sydney, Australia kahapon, December 15.
Tinawag ni Prime Minister Anthony Albanese ang insidente bilang isang antisemitic terrorist attack na yumanig sa buong bansa.
Naganap ang pamamaril habang isinasagawa ang “Hannukkah by the Beach,” isang Jewish celebration na dinaluhan ng daan-daang katao.
Ang 50-taong gulang na ama ay napatay ng mga pulis, habang ang kanyang 24-anyos na anak ay sugatan at ginagamot sa ospital.
Ang mga biktima ay may edad mula 10 hanggang 87 taong gulang, at mahigit 42 pa ang nasugatan, ilan ay kritikal ang kondisyon.
Kabilang sa mga biktima ay mula pa sa Israel at France.
Natagpuan din sa lugar ang dalawang improvised explosive devices na agad na neutralize ng mga awtoridad.
Nangako ang pamahalaan ng pagkakaisa at posibleng pagbabago sa gun laws matapos ang isa sa pinakamadugong pamamaril sa bansa sa loob ng halos tatlong dekada. | via Allan Ortega
