Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na idiskwalipika ang dalawang judge na magdedesisyon sa hurisdiksyon ng kanyang kasong may kaugnayan sa war on drugs.
Ayon sa kampo ni Duterte, ‘bias’ ang mga hukom dahil kasama sila sa nag-apruba sa pagsisimula ng imbestigasyon.
Sa desisyong inilabas ng ICC na pirmado ni Judge Tomoko Akane noong June 9, sinabi rito na nagkaisa ang plenaryo ng mga hukom ng korte para ibasura ang apela ng dating pangulo sa pag-aalis kina Judge Reine Alapini-Gansou at Judge Socorro Flores Liera mula sa kaso.
Sinabi pa ng ICC na ilalabas ang mas detalyadong kopya ng desisyon sa mga susunod na araw. | via Alegria Galimba
#D8TVNews #D8TV