Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Justice upang maghanap pa lamang ng ebidensya, na aniya’y maituturing umanong isa na namang “fishing expedition” ng Kamara.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos mai-ulat ng iba’t ibang media outlets ang liham na inihain ni Rep. Chel Diokno sa komite na humihiling ng pagpapalabas ng mga subpoena upang makakuha ng karagdagang dokumento kaugnay ng mga impeachment complaint laban sa bise presidente.
Binigyang diin ni VP Sara na pinatutunayan lamang umano nito ang kanyang matagal nang sinasabi na walang sapat na ebidensya upang maisulong ang impeachment case laban sa kanya.
Paliwanag niya, ang pagtukoy ng komite na may “sufficiency in substance” ang reklamo, ay nangangahulugang dapat may sapat nang ebidensya ang mga alegasyon. | via Joana Luna, D8TV news
