Hiling na asylum ni Atty. Harry Roque sa The Netherlands, hindi pinagbigyan —DOJ

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pinagbigyan ng The Netherlands ang hiling na asylum ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Ayon kay Remulla, ayon sa impormasyon ipinaabot sa kanya ay ipinasa na sa Germany ang kaso ni Roque.

Samantala, sinabi pa ng kalihim na pwedeng habulin ng Interpol si Roque kapag nawalan na ito ng documentation lalo na kung nagtatago sa batas.

Matatandaang nahaharap si Roque sa patung-patong na kaso na may kaugnayan sa human trafficking dahil sa koneksyon sa POGO na Lucky South 99 sa Pampanga.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *