Hilagang bahagi ng Japan, niyanig ng magnitude 7.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang hilagang bahagi ng Japan.

Ayon sa mga otoridad, tatlumpo katao ang sugatan dahil sa pagyanig.

Nakasira rin ito ng mga kalsada, at naging sanhi ng maliliit na sunog at power outage sa 27,000 na kabahayan.

Nag-trigger din ang lindol ng tsunami warning kung saan 28,000 residente ang sapilitang inilikas.

Apektado rin ang mga imprastruktura ng Shinkansen train services.

Samantala, nagbabala si Japan Prime Minister Sanae Takaichi sa publiko na maging alerto sa maaaring aftershocks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *