Higit 200 flood control projects sa Maynila, walang permit —Moreno

Ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno na may higit 200 flood control projects sa lungsod na nagkakahalaga ng ₱14 bilyon ang isinagawa nang walang permit.

Binigyang-diin ng alkalde na alinsunod sa Section 26 at 27 ng Local Government Code, kinakailangang kumonsulta muna sa lokal na pamahalaan bago simulan ang anumang proyekto.

Dahil dito, ipinag-utos ni Moreno ang pag-iinspeksyon sa lahat ng naturang proyekto.

Sa Sta. Mesa pumping station, natuklasan na wala nang laman ang generator at umaasa na lamang ito sa baterya ng sasakyan.

Samantala, iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Maynila ay ang basura at mababang lokasyon ng lungsod. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *